Blog

Paalam, Kuya Jesse

Posted on

Nauna ka na naman. Hanggan ba naman sa kamatayan ay nagmamadali ka? Di pa uso ang katagang “daang matuwid”, itinuwid mo na ang daan ng Naga. Wala pang maiinit na debate tungkol dyan sa Freedom of Information Act, matagal ng naka-post na sa website ng inyong lungsod ang kaperahan ng pamahalaang lokal.